Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Wed Jan 04, 2017 3:30 pm

Pm mu sa ken hehe....
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
PlayStation
PlayStation
Posts: 6736
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Wed Jan 04, 2017 8:46 pm

^ At talagang pinipilit makakuha ng pic eh. hehe (psst.... share din sa akin ha) hahaha

@javachip: as in usap-usap lang kayo?

Share ko lang similar experience ko noon.
Naalala ko na naman yun barkada/crush/bestfriend ko nun college days ko.
tatawagan ako nya ng gabi para magkwento lang kung ano-ano.. hanggang madaling araw.. umabot kami ng ilang weeks na panay ang tawag niya to the point na nag-isip ako na baka may gusto sya mangyari sa amin. Nung nagtanong ako sa kanya na kung pwede ko ba sya ligawan, sabi niya bestfriend lang daw tingin niya sa akin kaya ganun sya sa akin. *ouch*. after that, parang naging awkward ako sa kanya.. kasi napahiya ako, nagkamali ako ng hinala. sya naman nun nahalata nya na naging awkward ako, medyo dumistansya na sya. from bestfriendzoned to friendzoned na lang. :sweat:
nagsisi rin ako dahil mukhang ako ang sumira ng maganda sana naman pagsasama. hindi ko nga akalain na bestfriend na pala ang tingin niya sa akin noon. manhid kasi ako. :sweat:
Image
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Jan 05, 2017 7:40 am

Haha...yan kase ang hihilig magsipag assume ayan tuloy mga napala nyo. Tsaka nag share na ko pic ng model ko kaya dapat kyu ren! Hahaha...
**** ****!
User avatar
javaChip56
PlayStation
PlayStation
Posts: 404
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Pinetree, Balmoral Park

Thu Jan 05, 2017 9:48 am

Haha! Masamang habit talaga yung pag-assume..
I'll jist ask her out on a proper date para malinaw ang intensions ko.. If she says "No", then at least malinaw na rin sakin..

And about sa photos, hindi kasi celebrity yung dinidiskartehan ko, so I can't just share photos of her to random people online.. Why would anyone do that exactly? :sweat:
BIG BLACK CO.....wait for it.......NSOLE...
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Jan 05, 2017 10:06 am

So we can advise accordingly. Hehe... Pero joking aside, wag mo biglain hindi sila sanay sa ganyan. Ginawa ng room mate ko dati yun tapos siniraan agad sya sa ibang staff nila. Malas nya kasi sya lang foreigner sa kanila, umabot pa sa point na kinuwestyon pa sya ng hr about it. Kamuntik muntikan pa sya hindi marenew. Basta brad ingat lang sa pag approach.
**** ****!
User avatar
javaChip56
PlayStation
PlayStation
Posts: 404
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Pinetree, Balmoral Park

Thu Jan 05, 2017 12:37 pm

grayfox17 wrote:So we can advise accordingly. Hehe... Pero joking aside, wag mo biglain hindi sila sanay sa ganyan. Ginawa ng room mate ko dati yun tapos siniraan agad sya sa ibang staff nila. Malas nya kasi sya lang foreigner sa kanila, umabot pa sa point na kinuwestyon pa sya ng hr about it. Kamuntik muntikan pa sya hindi marenew. Basta brad ingat lang sa pag approach.
Damn! Sobrang hostile naman nung chick na yun!
Eto pa pala..Maliit lang yung company na pinapasukan ko.. as-in isang room lang.. so pag ni-reject nya ako, I have no choice but to accept it and act accordingly as a normal adult would.. which means, walang awkwardness at dapat professional parin.. bahala na si Batman!
BIG BLACK CO.....wait for it.......NSOLE...
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Jan 05, 2017 12:57 pm

Yung umpisa kasi nila (room mate ko at nung pinopormahang chekwa) parang tulad din ng syo - harmless hangout at gimik pero palibhasa hindi pa nagkaka syota yung room mate ko tinake nya yung friendliness nung chekwa na parang may something towards him kaya ayun ang kinalabasan. Dumaan din ako sa kalagayan mo pre, ilang taon din ako sa sg at nakaramdam din ako ng pangungulila pero hindi ko ginamit yun as reason na magpaka desperado at pumatos ng lokal kahit pa nag break kami ng syota kong pinay dati.

My point is, tamang flirt lang pre yung tipong para lang may magawa ka. Wag mo bbigyan ng malisya agad. Tandaan mo, may pagka liberated sila so antayin mo magpakita sya ng matibay na malisya bago ka mag damoves sa kanya.

Pag nag date kayo tapos anything goes lang ang usapan nyo at walang "getting to know you" na parte tapos split bill pa kadalasan then definitely hang out lang yan. Pero pag yung tipong lunch parati ka nya inaaya sa mga hawker/kopitiam o kaya naman lagi ka nya binibigyan ng tapaw kahit pa KAYA toast lang yan then baka nga may something syo. :lol:

Malapit na rin chinese new year, pag sinama ka nya sa eve at hinarap ka sa pamilya nya tapos sinama ka sa pag hagis ng pancit then baka nga may chance ka. :sweat:
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
PlayStation
PlayStation
Posts: 6736
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Thu Jan 05, 2017 8:17 pm

So ayan, marami ng tips para kay javachip. Balitaan mo kami kung ano na score ha or kung naging hokage ka na rin. hehe :bigmouth:
grayfox17 wrote:Dumaan din ako sa kalagayan mo pre, ilang taon din ako sa sg at nakaramdam din ako ng pangungulila pero hindi ko ginamit yun as reason na magpaka desperado at pumatos ng lokal kahit pa nag break kami ng syota kong pinay dati.
Ito ba ang reason kung bakit ayaw mo na magkaroon ng sariling pamilya? :sweat:
Image
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Jan 05, 2017 8:43 pm

Sn@kemaru wrote:So ayan, marami ng tips para kay javachip. Balitaan mo kami kung ano na score ha or kung naging hokage ka na rin. hehe :bigmouth:
grayfox17 wrote:Dumaan din ako sa kalagayan mo pre, ilang taon din ako sa sg at nakaramdam din ako ng pangungulila pero hindi ko ginamit yun as reason na magpaka desperado at pumatos ng lokal kahit pa nag break kami ng syota kong pinay dati.
Ito ba ang reason kung bakit ayaw mo na magkaroon ng sariling pamilya? :sweat:
hala! :shock: ako bigla nilagay sa hotseat oh! :lol: walang ganun... pero dahil inungkat mo lang din naman, pwet, este pwes sasagutin ko ang iyong katanungan hehe...nag decide ako na hindi na magpamilya due to practical concerns na lang din. Magastos masyado tsaka dagdag problema lang. babaw no? atleast right now, i enjoy my silence, my time and my money. :cheer:

btw, hiniwalayan ko yung dati kong ex kasi ramdam ko magiging problema ko erpats nya at isang kapatid nya. Kaya bago pa magka-leche leche buhay ko in the future, inunahan ko na.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
PlayStation
PlayStation
Posts: 6058
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Fri Jan 06, 2017 8:23 pm

grayfox17 wrote:btw, hiniwalayan ko yung dati kong ex kasi ramdam ko magiging problema ko erpats nya at isang kapatid nya. Kaya bago pa magka-leche leche buhay ko in the future, inunahan ko na.
Kaswerte! Inggit ako... :lol: :lol: :lol: :lol:
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Jan 06, 2017 8:47 pm

DarkRushBeat wrote:
grayfox17 wrote:btw, hiniwalayan ko yung dati kong ex kasi ramdam ko magiging problema ko erpats nya at isang kapatid nya. Kaya bago pa magka-leche leche buhay ko in the future, inunahan ko na.
Kaswerte! Inggit ako... :lol: :lol: :lol: :lol:
always, and i mean, always trust your gut instinct lang yan brad! pag naramdaman mo na nagdadalawang isip ka when deciding on something then postpone mo muna ang decision mo. That "doubt" you're feeling is actually your conscience telling you to not do it!

If only I paid attention to mine a lot sooner, it would have definitely saved me a lot of trouble. :lol:
**** ****!
VincH
PlayStation
PlayStation
Posts: 3409
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Sat Jan 07, 2017 9:50 pm

Ganyang ganyan nangyari sakin dati. Ang lakas na nga ng gut feel ko na hindi ok itong pinasukan ko pero inisip ko na baka namang mag workout. Ayun, nagkanda leche leche buhay ko :banghead: sana nagtiwala na lang ako sa kutob ko
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
VincH
PlayStation
PlayStation
Posts: 3409
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Sat Jan 07, 2017 9:57 pm

nag decide ako na hindi na magpamilya due to practical concerns na lang din. Magastos masyado tsaka dagdag problema lang. babaw no? atleast right now, i enjoy my silence, my time and my money. :cheer:
Haha! Hindi ako nagiisa :2thumbs: enjoy na enjoy ko pagiging single :lol: pero hindi naman ako nag decide na hindi na mag pamliya. Kung may dumating eh di ok, kung wala eh di wala. Matagal ko nang hindi nararamdaman yung "in love" na feeling kahit na madaming nagpaparamdam sa tabi tabi. Ewan ko ba manhid na ata ako :sweat:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sat Jan 07, 2017 10:03 pm

VincH wrote:
nag decide ako na hindi na magpamilya due to practical concerns na lang din. Magastos masyado tsaka dagdag problema lang. babaw no? atleast right now, i enjoy my silence, my time and my money. :cheer:
Haha! Hindi ako nagiisa :2thumbs: enjoy na enjoy ko pagiging single :lol: pero hindi naman ako nag decide na hindi na mag pamliya. Kung may dumating eh di ok, kung wala eh di wala. Matagal ko nang hindi nararamdaman yung "in love" na feeling kahit na madaming nagpaparamdam sa tabi tabi. Ewan ko ba manhid na ata ako :sweat:
Ako talaga bago pa ko mag 30 nag decide na talaga ko na wag magpamilya. Kaya kahit na anong pilit at tukso ng mga tao sa paligid ko sa pagiging binata ko hindi ako tumitinag sa ganyan. Mahirap na mapaso ulit tsaka hindi mo na rin kasi mababalik ang nawalang pera at oras mo. :sweat: Ayoko rin magkaron ng long-term na problema na kung saan wala ka choice kundi tanggapin na lang kasi andyan na. :sweat:
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
PlayStation
PlayStation
Posts: 6736
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Sun Jan 08, 2017 2:15 am

Kasi nga love is blind. Yun impraktical ay nagiging tama dahil love is blind. Yun kahit mali, sige sacrifice lang kasi feeling mo magiging ok lang ang lahat, kesyo part ito ng adjustments/changes... hanggang sa nadiin na kayo masyado into deep #@*^.
Later mo na lang ma-realize na nagpaka-tanga ka noon at nasa huli palagi ang pag-sisisi.
On the good side, may natutunan ka lesson pero depende sa experience. It may be a life shattering experience.
Kaya kung bibigyan ako ng special power, ang hihilingin ko ay Turn back time.
Image
VincH
PlayStation
PlayStation
Posts: 3409
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Sun Jan 08, 2017 10:10 am

naku totoo yan. yung mga impraktical ginagawa na. may kilala ako isinakripisyo pamilya at ari arian dahil sa isang babae pero hindi din naman sila nagka tuluyan. daming sinayang.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sun Jan 08, 2017 12:47 pm

Dumaan din ako sa "love is blind" na yan, yung tipong di mo alintana ang pagod at gastos kasi ang habol mo mapasaya yung labs mo. Wala kang paki sa abala kasi mahalaga nakikita mo syang happy at appreciative sa efforts mo. Ako kasi maaga ako natauhan sa ganyan, or lets just say, nagsawa na kasi parang lumalabas lugi ako bilang lalake pagdating sa effort at gastos. :sweat: I know hindi maganda tingnan yung magbilang ng mga nagawa para sa ibang tao lalo na pagdating sa mga material na bagay pero para sa kin saving grace ko yung pagbibilang at comparison especially when it comes to effort. Mapapa-isip ka din talaga kasi dadating sa punto na makakaramdam ka na lang bigla ng pagod at pananawa tapos marerealize mo na sa dami ng nagawa mo sa taong yun kung may kahihinatnan pa ba yung mga ginagawa mo o wala na.

Naisip ko din tumatanda na rin ako so napag isip isip din ako sa mga bagay-bagay for long term commitments with my girl that time. Yung tipong tatanungin mo sarili mo kung worth it pa ba o hindi na, mga ganun ba? At yun nga dun ko napansin na magiging problema ko erpats nya at isang kapatid nya kaya sabi ko sa sarili ko putulin ko na to habang maaga. May mga issues na rin ako with my ex that time, mainly, mas inuuna pa lapitan at pakinggan ang kaibigan about sa mga issues na kaming dalawa lang dapat ang nakakaalam. Nakaka badtrip lang kasi involved pa yung ibang taong hindi naman dapat masali sa usapan. Andyan yung kokomprontahin pa ko ng bespren nya nung minsang nag cool off kami tapos kung ano-anong threat ang sasabihin sa kin pero hindi naman sya dapat makialam sa min in the first place.

Isa yun sa mga factors kaya mas napadali sa kin ang magdecide na kumalas. Aanhin mo nga naman yung mabait at maalagang syota kung mapepeste ka naman sa mga tao sa naka-paligid sa kanya lalo na ng mga magiging in-laws mo di ba? unavoidable yun eh. Kaya inunti-unti ko makipag hiwalay, puro cool off muna na umaabot ng more than 1 month kasama na yung madalang na pagtetext at date tapos may time din na dumalaw sa SG yung parents nya ng 1 week para mag turista pero ni isang beses hindi ako nagpakita sa mga yun. Then sa text ako nakipag hiwalay. Naisip ko maigi nang putulin ko na ugnayan naming dalawa kesa patatagalin pa, ayoko lang umabot sa point na masasabi ko sa sarili ko na "nasa huli ang pagsisisi."
**** ****!
User avatar
javaChip56
PlayStation
PlayStation
Posts: 404
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Pinetree, Balmoral Park

Fri Jan 13, 2017 7:23 pm

dahil binitin ko daw kayo sabi ni sir @grayfox17, kaya dadaan lang ulit ako dito sa thread..

maliit na update lang, inaya ko sya last week na manood ng sine, so nag set kami kung kelan..
Mamaya na yun, La La Land ang papanoorin namin.. Sya kasi pinapili ko kung ano papanoorin..
Balitaan ko ulit kayo pag may magandang nangyari..
Pag wala.. babalitaan ko parin kayo.. :D
BIG BLACK CO.....wait for it.......NSOLE...
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Jan 13, 2017 7:29 pm

yun oh! :shock: magdadamoves na sa sinehan si ser! nyahahaha... so siaoh ah? :lol: san kayo? sa GV? sa cathay cineplex? :lol:
**** ****!
User avatar
javaChip56
PlayStation
PlayStation
Posts: 404
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Pinetree, Balmoral Park

Fri Jan 13, 2017 7:46 pm

grayfox17 wrote:yun oh! :shock: magdadamoves na sa sinehan si ser! nyahahaha... so siaoh ah? :lol: san kayo? sa GV? sa cathay cineplex? :lol:
GV Plazasing paps.. lintek na La La Land yan, parang sa ilang sinehan lang ipinapalabas.. nung nag-book ako 2 days ago, kame lang dalwa sa gitna.. pag check ko kanina, halos puno na..
BIG BLACK CO.....wait for it.......NSOLE...
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Jan 13, 2017 8:17 pm

javaChip56 wrote:
grayfox17 wrote:yun oh! :shock: magdadamoves na sa sinehan si ser! nyahahaha... so siaoh ah? :lol: san kayo? sa GV? sa cathay cineplex? :lol:
GV Plazasing paps.. lintek na La La Land yan, parang sa ilang sinehan lang ipinapalabas.. nung nag-book ako 2 days ago, kame lang dalwa sa gitna.. pag check ko kanina, halos puno na..
sus, dapat kasi mabilisan ang pag book online, alam mo namang mabibilis kumaskas ng nets mga tao dyan. Talagang pumayag na kayong dalawa lang ha? i think you're on to something leh.... :lol:
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
PlayStation
PlayStation
Posts: 6736
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Fri Jan 13, 2017 11:46 pm

^ Mukhang mayroon nga something sa dalawang yan. hehe
1st base na yan. hehe
Image
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sat Jan 14, 2017 12:27 am

^ang aga bumabalentayms kamo :sweat: :lol: mukhang buo na ang gabi nya nyan. haha...
**** ****!
User avatar
javaChip56
PlayStation
PlayStation
Posts: 404
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Pinetree, Balmoral Park

Sat Jan 14, 2017 4:50 am

Kakatapos lang namin mag "hangout", 4:30AM.. Hangout na itatawag ko dito kasi wala naman nangyayari..

Natapos yung movie, 11:30pm, hindi ako makadiskarte sa sinehan.. ang layo ng upo..hindi manlang pinapatong yung braso nya sa arm rest.. so walang nangyari dun..

After ng movie nag-aya sa Alley Bar, inom hanggang 2am.. pero tamang inom lang.. wala pa din nangyari dun.. tamang kwento lang sya.. pag inaabot ko yung kamay or braso nya, inaalis parin nya.. hindi ko naman pinipiga..hehehe..

Nung closing na, nag-ayang maglakad lakad.. so lakad lang kame around Orchard.. tapos sabi nya, may tinatambayan daw syang tahimik na lugar malapit sa Killeney road dati nung nagwwork sya dun.. so pumunta kame dun.. Mejo malayong lakad din yun papunta dun.. pero ayun, tamang kwentuhan lang nanaman.. pag lumalapit ako, umuusog ng upo.. ayaw din mag pahawak ng kamay.. hanggang past 4am kame dun kwentuhan lang ng kung ano-ano..

Hindi ko magets.. parang bored lang ata ito.. kelangan ng makakausap..

I almost forgot.. She did however, let me pay for everything this time..
Last edited by javaChip56 on Sun Jan 15, 2017 12:48 am, edited 2 times in total.
BIG BLACK CO.....wait for it.......NSOLE...
User avatar
Sn@kemaru
PlayStation
PlayStation
Posts: 6736
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Sun Jan 15, 2017 1:54 am

javaChip56 wrote:Kakatapos lang namin mag "hangout", 4:30AM.. Hangout na itatawag ko dito kasi wala naman nangyayari..

Natapos yung movie, 11:30pm, hindi ako makadiskarte sa sinehan.. ang layo ng upo..hindi manlang pinapatong yung braso nya sa arm rest.. so walang nangyari dun..

After ng movie nag-aya sa Alley Bar, inom hanggang 2am.. pero tamang inom lang.. wala pa din nangyari dun.. tamang kwento lang sya.. pag inaabot ko yung kamay or braso nya, inaalis parin nya.. hindi ko naman pinipiga..hehehe..

Nung closing na, nag-ayang maglakad lakad.. so lakad lang kame around Orchard.. tapos sabi nya, may tinatambayan daw syang tahimik na lugar malapit sa Killeney road dati nung nagwwork sya dun.. so pumunta kame dun.. Mejo malayong lakad din yun papunta dun.. pero ayun, tamang kwentuhan lang nanaman.. pag lumalapit ako, umuusog ng upo.. ayaw din mag pahawak ng kamay.. hanggang past 4am kame dun kwentuhan lang ng kung ano-ano..

Hindi ko magets.. parang bored lang ata ito.. kelangan ng makakausap..

I almost forgot.. She did however, let me pay for everything this time..
Hmm.... either pa-hard to get lang talaga sya or nan-tri-trip lang.
Sa gauge mo, may improvement ba sa inyo dalawa?
Image
Post Reply